Bilang ng mga nasawi sa Morocco quake – lumobo pa sa mahigit 2,000

Lumobo pa sa mahigit dalawang libo ang bilang ng mga napatay sa pinakamalakas na lindol sa Morocco na magnitude 6.8.

Sa huling datos – naitala na sa 2,100 ang kumpirmadong death toll at inaasahang tataas pa habang nagpapatuloy ang rescue operations.

Read More:  Sara Duterte vows never to resign as impeachment trial advances

Sa ngayon, wala pa ring Pilipinong kumpirmadong nadamay sa pagyanig.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Sa kabila niyan, una nang tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tulong sa mga overseas Filipinos doon na apektado ng sakuna.

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang 4,600 ang bilang ng mga Pilipino doon.