Bilang ng mga namatay sa Davao de Oro dahil sa mga kalamidad – umakyat na sa 6

UMAKYAT na sa anim ang bilang ng mga nasawi at isa ang patuloy pang pinaghahanap dahil sa nararanasang Landslide at pagbaha sa Davao De Oro dulot ng patuloy na pag-ulan na dala ng Low Pressure Area.

Ito ang kinompirma ni Fe Maestre, ang Provincial Information Officer ng Davao De Oro sa kanyang panayam sa programang Tira Brigada.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Dagdag pa ni Maestre, nakapagtala rin sila ng 86 na mga napinsalang mga tulay at kalsada sa iba’t ibang lugar sa Davao De Oro, isa na rito ang sa Brgy. Sawangan, National Highway sa Mawab, na matatandaang nagkabitak-bitak at hindi na madadaanan dahil sa posible nitong pag guho.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Samantala, nasa 9,000 ka pamilya na ang kasalukuyang nasa evacuation centers at patuloy nilang binabalaanan ang iba pang mga apektadong residente na magsilikas upang makaiwas sa disgrasya.