LEGAZPI CITY – Kinumpirma ni Ma. Francia Geñorga, ang OIC Infectious Disease Cluster ng Department of Health (DOH) Bicol na tumaas ng mahigit sa 50 % ang nakagat ng alagang aso sa Bicol Region.
Sa isinagawang Media Dialogue kahapon ng DOH ng nasabing rehiyon, umaabot na sa 25, 763 ang kabuuhang bilang ng dog bites sa rehiyon simula buwan ng Enero hanggang buwan ng Hunyo sa taong 2021.
Kung ikukumpara aniya sa taong 2020 simula buwan ng Enero hanggang buwan ng Disyembre ay umabot sa 46, 831 ang kabuuhang bilang ng nakagat ng nasabing hayop.
Sa tala ng tanggapan, ang lalawigan ng Camarines Sur ang pinakaraming bilang na nakagat ng aso na 8, 257, sinundan iton ng Sorsogon 4, 877, Camarines Norte 4, 744, Albay 3, 351, Masbate 2, 520 at Catanduanes 1, 987.
Samantala, pumalo rin sa 31 ang human deaths dahil sa kagat ng mga nasabing hayop sa loob lamang ng anim na buwan sa taong 2021.
Nangunguna rito ang Camarines Sur 11, Masbate 7, Sorsogon 6, Camarines Norte 5, Albay 2 at nananatiling zero sa human deaths ang lalawigan ng Catanduanes.
Paliwang ng DOH ang mga dahilan kung bakit biglaang dumami ang namamatay na tao sa kagat ng aso ay karamihan sa mga ito ay hindi nakakapunta sa ospital o takot sa ospital dahil sa covid 19, walang pamasahe, limitado ang movement ng dahil sa ipinatutupad na ecq, mecq, gcq at mgcq, at kokonti rin ang transportation.
Payo ng DOH, kapag nakagat ng aso ay dapat paduguin muna, hugasan na may sabon na 15mins at dalhin agad sa malapit na ospital upang mabigyan ng mga gamot.
Hindi rin pwedeng pabayaan lamang ito dahil sa maaaring maging sanhi ito nagpakamatay sa rabies.