Umabot na sa 460 pamilya ang nagsilikas dahil sa chemical spill sa Bauan, Batangas.
Ayon sa Philippine Coast Guard, natukoy ang kemikal bilang solvent na kadalasang ginagamit sa paint production.
Nag-leak umano ito mula sa isang storage facility.
Mababatid na higit-kumulang 200 litro ng kemikal ang tumagas sa katubigan sa lugar.
Samantala nakapag-issue na ng closure order ang Bauan local government laban sa kumpanyang nag-operate sa depot.
Ayon sa PDRRMO, nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga pamilya nagsilikas.