Bilang ng mga nabakunahan sa Camarines Norte sa unang araw ng national vaccination umabot sa 14, 611

CAMARINES NORTE- Umabot sa kabuuang bilang na 14, 611 ang bilang mga nabakunahan sa  lalawigan ng Camarines Norte sa unang araw ng pambansang bakunahan.

Ayon ito kay acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sa maikling mensahe sa Brigada News FM Daet.

Hindi pa nakakapagpalabas ng datos ang PHO para sa ikalawang araw ng bakunahan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Tulad kasi noong unang araw ay inaabot ng gabi ang pagbabakuna lalo na dito sa bayan ng Daet.

Dagsa rin ang mga tao sa iba’t- iba pang vaccination site at sa katunayan ay mayroong lugar na nagsisimula pa ng alas 2 ng madaling araw ang pila para lang magpabakuna.

Sa isang media interview sinabi ni Francisco na bagamat naging maayos ang distribusyon nila ng vaccinators ay may mga lugar na kinulang ng bakunang Pfizer na ituturok sa pediatric population.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa kabila nito nagpasalamat ang opisyal sa naging tugon ng mga taga Camarines Norte sa panawagang magpabakuna.

Matatandaan na isa ang bayan ng Basud, sa nagkulang agad ng bakunang Pfizer kaya’t sa pag arangkada pa lamang ng pagbabakuna sa unang araw ay maraming kabataan na ang hindi nabakunahan.