Bilang ng mga nabakunahan sa Camarines Norte na edad 5- 11 taong gulang nasa 4 na porsiento pa lang

CAMARINES NORTE- Malayo pa ang lalakbayin ng Camarines Norte para maabot ang target na 97, 638 na mga batang edad 5- 11 taong gulang para mabakunahan kontra COVID- 19.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang alas 6 ng umaga kahapon, Abril 7, nasa 3, 977 pa lang ang nababakunahan sa naturang age group o apat na porsiento.

Sa labingdalawang bayan ang Basud at Capalonga pa lang ang nakakalagpas ng sampung porsiento.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Sa Basud nasa 793 na ang nabakunahan o 12 porsiento sa 6, 864 na target.

Nakapagtala rin ng 12 porsiento ang Capalonga na nakapagbakuna na ng 655 na mga bata sa naturang age group sa target na 5, 393.

Ang Daet ay nasa anim na porsiento pa lang o 1, 050 nabakunahan sa target na 17, 545.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Habang ang iba pang mga bayan ay mas mababa pa sa apat na porsiento.

Ang mga bayan ng Jose Panganiban at Paracale ay nakaka isang porsiento pa lang.

Matatandaan na simimulan ang bakunahan sa lalawigan para sa naturang age group noong Marso 15 o tatlong linggo ang nakakalipas.