Bilang ng mga kandidatong nag-withdraw sa BSKE sa Bicol, pumalo sa mahigit 600

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa mahgit 600 ang umatras sa pagkakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election 2023 ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Bicol.

Sa datos, nasa 652 kandidato ang nag-withdraw mula sa punong barangay na may 45, barangay kagawad na may 230, SK chairperson na may 83 at SK member na may 294.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Pinakaramaming naitala sa Camarines Sur na may 154, pumangalawa ang Albay na may 149, pangatlo ang Masbate na may 111, sinundan ng Sorsogon na may 95, Catanduanes na may 72 at Camarines Norte na may 71.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa ngayon ay patuloy pang nadagdagan ang bilang ng mga kandidato nagwithdraw sa BSKE sa rehiyon.