Bilang ng mga indibiwal na nakaranas ng Adverse effects ng COVID-19 Vaccine sa Bicol, umabot na sa mahigit 2,000

BICOL- Sumipa na sa 2,465 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na nakaranas ng adverse effect ng COVID 19 vaccine sa Bicol Region.

Ayon kay Regional Epidemiologist Dr. Ora Theressa Daluro, lumabas sa Surveillance Database ng Food and Drug Administration na 2,273 ng naturang bilang ay pawang ikinategorya sa mga indibdiwal na nakaramdam ng Minor Adverse Effect.

Read More:  Fil-Am human rights advocate among 19 slain in Negros Occidental

Aniya, ito ang mga taong naka eksperyensya ng pananakit ng brasong pinagturukan, lagnat, sinat o trangkaso at magdamag na pananamlay matapos ang pagpapaturok ng bakuna.

Samantala, 72 naman mula sa nasabing numero ang ikinategorya ng ahensya bilang seryosong epekto ng bakuna matapos na tumungo ang mga ito sa ospital upang magpaobserba ng kalagayan at magkaroon ng disability.

Read More:  Five treasure hunters trapped in Panabo tunnel; three still missing

Binigyang diin naman ni Daluro na batay sa isinasagawang surveillance ng grupo simula nang mag-umpisa ang vaccination roll out sa rehiyon, ay wala pang naiulat na namatay dahil sa pagpapabakuna.

Una ng sinabi ng DOH na ang naturang datus ay masusing pinag-aralan ng National Adverse Events Immunization Panel, na siyang naitatala sa loob ng 24- 48 oras matapos ang pagbabakuna sa isang indibidwal.###