Bilang ng mga hindi pa nababakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte nasa 166, 030

CAMARINES NORTE- Umaabot pa sa 166, 030 ang mga hindi pa nababakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte o 32. 36 percent sa target population.

Batay ito sa datos ng Camarines Norte Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang Hunyo 2.

Mababa pa rin ang bilang ng mga nagpaturok ng booster shot na nasa 32, 619 pa lang o 6. 36 percent

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Nasa 313, 886 naman ang fully vaccinated na o 61. 19 percent.

Kaugnay nito ay patuloy ang panghihikayat ng Department of Health at ng Provincial Health Office sa mga hindi pa nagpapabakuna na magpabakuna na.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Gayundin sa mga hindi pa rin nagpapa- booster upang maproteksyunan lalo na sa mga nagsisilabasang bagong variant ngayon.

Importante rin ang mataas na vaccination coverage para maibaba sa Alert Level 1 ang isang lugar.

Sa ilalim ng Alert Level 1 ay isang daang porsiento nang bubuksan ang ekonomiya.