LEGAZPI CITY – Magsisismula na ngayon araw ang Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games 2024, kung saan posibleng umabot sa 10K ang bilang ng mga delegado mula sa 17 rehiyon sa bansa para sa nasabing palaro.
Ito ay ayon mismo kay National President ng PRISAA Region V Edgar Balasta, kung saan inihayag nitong posibleng umabot sa humigit kumulang 10K na mga delegado ang ipinadalang athletes, coaches, trainees, at iba pang mga officials na mangunguna sa malaking sporting event. Ayon kay Balasta, hindi pa umano kasama sa bilang ang mga magulang na maaari umano na magsipagdatingan sa lungsod para manuod ng Palaro.
Aabot din sa mahigit P93M ang posibleng gastusin para sa mga delegaado para sa kanilang pagkain, tirahan o akomodasyon, transportasyon at iba pang bagay na maaaring pagkagastusan habang nagpapatuloy ang nasabing palaro.
Sinabi rin ni Elbert Atilano Sr, National Executive Director, posibleng lumagpas sa P50M ang makukuhang revenue ng Legazpi sa pag-host ng naturang national games.