KORONADAL CITY – TUMAAS ang bilang ng mga Children In Conflict with the Law o CICL na nasa Bahay Pag-Asa ngayon ng Koronadal.
Ito ang inihayag ni City Vice Mayor Erlinda “Bing” Pabi-Araquil kung saan nasa 13 umano ang kasalukuyang nananatili sa nasabing pasilidad.
Ito sila ay may kinakaharap na kaso gaya ng pagnanakaw, panggagahasa, paggamit ng iligal na droga at iba pa.
Dagdag ng opisyal, na sobrang tagal na ng ibang mga CICL sa nasabing pasilidad dahil mahina umano ang pagtutok sa kani-kanilang mga kaso.
Ang Bahay Pag-asa ay isang rehabilitation center para sa mga kabataan na edad 18-anyos pababa na nakagawa ng krimen at paglabag sa mga batas ng bansa.
Napag-alaman na ito rin ay tinututukan ng opisina ni Araquil kung saa iba’t ibang mga programa rin ang kanilang ipinapatupad sa mga ito.
