Bilang ng mga Bikolanong may chronic kidney diseases pumalo na sa mahigit 5 libo; hemodialysis facilities sa buong rehiyon nasa 47 lamang

BNFM Bicol- PUMALO na sa 5,147 ang kabuoang bilang ng mga Bikolanong mayroong chronic kidney disease (CKD) habang nasa 47 lamang ang bilang ng mga hemodialysis facilities sa rehiyon.

Kung kaya’t pinaplano ng Department of Health Center for Health Development (DOH) Bicol sa inilunsad nitong aktibidad kaugnay sa National Kidney Month na pababain ang bilang ng mga pasyenteng may chronic kidney disease sa rehiyon.

Read More:  Forest fire affects 7 hectares in Davao de Oro

Kaakibat ang Philippine Society of Nephrology (PSN) Bicol ang mahahalagang datos patungkol sa CKD treatment and management, at ang promosyon ng healthy lifestyle habits.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Ayon sa panayam kay DOH Bicol Regional Director, Rodolfo Antonio Albornoz, na itinaas mula P2,600 ang PhilHealth dialysis benefit package sa P4,000 na magagamit per session hanggang sa 156 na session kada taon. # # # Nico Merciales, Intern

Photo from DOH Bicol