Bilang ng kabuuang consolidation, posibleng ilabas na sa susunod na linggo

Umaabot na sa 76% ang mga nag-consolidate na mga jeepney para sa PUV Modernization Program ayon sa Office of Transportation Cooperatives (OTC).

Sa panyam ng Brigada News FM Manila kay OTC, Chairman Jesus Ferdinand “Andy” Ortega, maaring ilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kabuuang bilang ng nag-consolidate kada ruta sa mga susunod na araw o linggo.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ayon kay Ortega, ibang programa na para sa mga tsuper at operators ag kanilang inaasikaso ngayon matapos ang deadline ng consolidation noong Disyembre at malabo na ang extension o kanselasyon na iginigiit ng ilang mga transport group.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Kung maalala, simula sa February 1, bibigyan na ng ticket ang mga Jeep na hindi pa nag-consolidate habang may marka ng sticker mula sa LTFRB ang mga nakapag-
consolidate sa PUV Modernization Program kahit na may nakabinbin pa ring petisyon sa SC ang PISTON at MANIBELA na humiling ng kanselasyon nito.