Big-time rollback, posible sa susunod na linggo

Namumuro ang bagong round ng tapyas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau assistant director Rodela Romero, sa pagtataya ay posibleng ipatupad ang P3.50 hanggang P3.70 na tapyas sa kada litro ng diesel.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Posible rin aniya ang P2.20 hanggang P2.40 na bawas sa kada litro naman ng kerosene; habang P1 hanggang P1.20 ang iro-rollback sa kada litro ng gasolina.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Paliwanag ni Romero, bunsod ito ng mababang demand sa langis dahil sa mataas na imbentaryo sa ibang bansa.

Maaari rin aniyang nakaapekto ang bagong surge ng COVID-19 sa China.
#