Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na bagaman nag-iisa palamang ang bidder para sa bagong automated election system (AES) na gagamitin sa 2025 midterm elections ay hindi nangangahuligan na pasok na kaagad ito para sa poll body.
Nabatid na ang South Korean firm na Miru Systems Company Limited ang nsabing bidder na ayon kay Comelec chairman George Garcia ay kinakailangan pa rin an dumaan sa post-qualification process.
Masusing sasailalim ang Miru sa post-qualification evaluation na magbubunsod naman sa Comelec Special Bids and Awards Committee (SBAC) na siyasatin ang technical requirements na itinakda para sa 2025 automated election.
Bukod dito, hihimay-himayin din ng Komisyon ang mga dokumentong isusumitong nasabing Korean Firm at sa oras na mapatunayan na may mali sa mga ito ay madidiskwalipika ang Miruna hahantong sa failure of bidding.