BICOL – WALANG naitalang bagong kaso ng covid-19 ang Bicol kung kayat nananatili sa 59,039 ang cumulative cases ng sakit sa rehiyon.
Ayon sa ulat ng Department of Health o DOH-Bicol, wala ring naitalang bagong nakarekober saanmang panig ng rehiyon kung kaya’t nananatili naman sa 56,008 ang total recoveries.
Samantala, nakapako naman sa 2,409 ang total covid-19 fatalities matapos na wala ring maitalang bagong pagkasawi sa sakit kahapon.
Mababatid na patuloy na nakakapagtala ng mababang kaso ng sakit ang rehiyon nitong nakalipas na mga linggo kung saan halos hindi na tumataas sa double digits ang mga bagong kaso at halos nasa 4 hanggang lima kaso na lamang ang daily average cases ng Kabikulan.