Bicol region, ikalawa sa may mataas na kaso ng rabies sa buong bansa

BNFM BICOL – PUMAPANGALAWA ang Bicol sa mga rehiyon sa bansa na may mataas na kaso ng human rabies na naitala mula buwan ng Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Base sa record ng Department of Health o DOH, aabot sa 169 na mga kaso na ang kanilang naitatala na mas mataas ng 13% kumpara sa parehong peryodo noong 2023.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nagtala ng pinakaramaring kaso ang Soccsksargen region sa 21 habang sinusundan ng Bicol at Region 4-A (Calabarzon) na mayroong tig-18 na mga kaso.

92% ng mga kaso ay may history ng kagat ng aso, 6% ay cat bites habang ang natitirang porsyento ay dahil sa kagat ng iba pang hayop.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Samantala, mula sa kabuuang 169 na kaso, 160 ang nasawi o katumbas ng 94.67% fatality rate habang patuloy pang beniberipika ang kalagayan ng siyam na iba pa. ###