Bicol mayor, binalaan ng COMELEC dahil sa pagharang sa BSKE

Nagbabala ang Commission on Elections sa iba’t ibang mga grupo, maging sa ilang mga pulitiko na humaharang at nagpapabagal sa proseso ng eleksyon.

Binalaan ni COMELEC Chairperson George Garcia ang isang alkalde sa Bicol na ‘di umano’y humaharang sa proklamasyon ng mga nanalong local officials.

Read More:  DOH closely monitoring Ebola virus situation

Napag-alaman kasing talo raw ang manok niyang kandidato kaya niya hinaharang ang proclamation.

Inihahanda naman na raw sa ngayon ang mga kaso laban sa alkalde.

Ngayong tanghali, umakyat na sa 98.21% ang na-canvass mula sa 42,001 na mga barangay, habang 92.70% na rin ang naiproklama.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Kung maaalala, mayroon pang ilang mga barangay na nagsasagawa ng halalan ngayong araw.

Kabilang na rito ang dalawang barangay sa Calbayog City sa Samar; at limang barangays sa Bayang, lanao del Sur.