Bianca Umali at Ruru Madrid, hindi pabor na mag live-in bago ang kasal

Inamin ng celebrity couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid na hindi sila bukas sa ideya ng “living under the same roof” bago magpakasal.

Iginiit ng dalawa na sumusunod kasi sila sa mga alituntunin ng kanilang simbahan.

Binigyang-diin ni Bianca na inilalaan din niya ang kanyang sarili para sa tamang tao sa tamang panahon.

At sa ngayon, alam nyang si Ruru yon.

Sa ngayon, ang gagawin nilang dalawa ay ang hintayin ang tamang oras para sa usaping ito.

Marami na rin aniya silang napagdaanang pagsubok bilang magkarelasyon kaya’t kumpiyansa ang dalawa na kung ano mang hamon ang kanilang harapin ay malalagpasan din nila ito.