BI, kinumpirmang nasa loob pa rin ng bansa si Quiboloy

Kinumpirma ni Bureau of Immigration (BI), Chief, Legal Division, Atty. Arvin Cesar Santos na nasa loob pa rin ng bansa si Pastor Apollo Quiboloy base sa kanilang official records.

Ito ay sa kabila ng mga kumakalat na impormasyong nakalabas na ito ng bansa.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Pagpapaliwanag pa nila, kahit na gumamit umano ito ng private jet plane ay dadaan pa rin ito sa kanilang sistema kung kaya’t mababantayan nila ito.

Dagdag pa nila, base sa kanilang record, noong July 2023 pa ang huling lipad ni Quiboloy pabalik dito.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Samantala, tiniyak naman din ng Department of Justice na ihahanda na nila ang Immigration Lookout Bulletin Order para agad na itong mapirmahan ng Justice Secretary.