BI, hindi magpapatinag sa kasong isinampa laban sa ilan nilang immigration officer

Sinabi ni Bureau of Immigration commissioner Norman Tansingco na hindi matatakot ang ahensya sa mga reklamo laban sa kanila dahil sa mga lehitimong pag-aresto na kanilang ginawa.

Ginawa ni Tansingco ang pahayag matapos umanong magsampa ng reklamo ang isang grupo ng mga Indian national laban sa mga intelligence officer ng BI.

Ang reklamo, na inihain sa National Prosecution Service sa Pasay, ay nagsasaad na ang 13 intelligence officers na sangkot sa pag-aresto sa 16 na Indian national sa Antique at Iloilo ay labag sa batas na isinagawa ang mga operasyon.

Sinabi ng mga Indian na may hawak silang valid na 9(g) working visa, kaya walang paglabag sa immigration.

Pero ibinunyag ni Tansingco na ang pag-aresto laban sa 16 na Indian ay resulta ng mga reklamo laban sa kanila dahil sa umano’y pagsali sa ilegal na negosyong pagpapautang o ‘5-6’.

Ibinahagi ng BI ang kopya ng sulat na kanilang natanggap mula sa Antique Provincial Board, na nag-uulat ng pagtaas ng bilang ng mga Indian national sa kanilang lugar na sangkot sa 5-6, gayundin ang kidnapping at drug trafficking.

Nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang BI ukol sa reklamong ito at tiniyak ni Tansinco kung mapatunayang nagkasala ang kanilang kawani ay mahaharap ito sa pinakamalupit na parusa ng batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *