BFP-Koronadal nakapagtala ng 51 na sunog ngayong taon

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA na ang Bureau of Fire and Protection o BFP-Koronadal ng 51 na sunog ngayong taon.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Senior Fire Officer Alexander Alinsugay ng BFP-Koronadal, kabilang umano sa sunog na naitala ng kanilang tanggapan ang sunog sa mga pamamahay, poste, vehicular fire at iba pa.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Dagdag pa nito na noong nakaraang buwan ng Hulyo anim ang naitalang sunog ng BFP-Koronadal.
Nilinaw din ni Alinsugay, na madalas sa mga pinagmulan ng sunog ang naiwang kandila, mga batang naglaro ng apoy at mga short circuit.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Paalala naman ng opisyal sa publiko na manging vigilante at siguruhing nakasara ang tanke ng mga LPG sa loob ng bahay at iwasan ang overloading sa mga saksakan ng koryente upang maiwasan ang sunog.