BFP Camarines Norte dodoblehin ang fire truck visibility at iba pang mga paghahanda sa pagsalubong sa bagong taon

CAMARINES NORTE – Naka- heightened alert ang Bureau of Fire Protection (BFP) na magtatagal hanggang Enero 1, 2024 bilang paghahanda sa anumang fire incidents at iba pang mga untoward incident sa pagsalubong sa bagong taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay  Camarines Norte BFP Caretaker Fire Chief Inspector Adonis Osea, sinabi nitong mas magiging madalas pa ang kanilang firetruck visibility kumpara noong bago magpasko.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Paiigtingin rin umano nila ang pag inspection sa mga terminal kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero at sa mga tindahan ng paputok.

Pinagsumite rin ng deployment plan of personnel ang mga Municipal Fire Station at upang masigurong nasusunod ito ay magkakaroon ng surprise inspection ang Provincial Office at ang Regional Office.

Dito sa Camarines Norte ay tatlong bayan lang sa ngayon ang mayroong designated na tindahan ng paputok na mayroong permit na matatagpuan sa Daet, Labo at Jose Panganiban.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nagpaalala rin si Osea sa publiko sa pag iwas sa sunog at ligtas na pagsalubong sa bagong taon.

Noong nakaraang taon, apat ang naitalang insidente ng sunog sa Camarines Norte sa pagdiriwang ng yuletide season.