Tila sinabon nina Senador Raffy Tulfo at Senadora Cynthia Villar ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) dahil sa late nitong aksyon kontra illegal na pagbebenta ng imported pink salmon at pampano sa mga merkado.
Sa pagdinig ng Seante Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform , sinabi ni BFAR officer-in-charge Demosthenes Escoto na ipinatutupad na ng kanilang ahensya ang Fisheries Administrative Order No. 195, na siyang nagpapahintulot sa importation nang hindi kinakailangan ang certificate of necessity to import (CNI) ng mga sariwa, frozen at chilled na aquatic resoures.
Dahil sa mga natanggap na mga balitaang kaso ng smuggled na mga isda, minabuting hindi na muna umano ipatupad ang FAO 195.
RELATED STORIES:
Ayon kay Escoto, simula nang ma-release ang FAO noong 1999, nagkakaroon na ang pre-border at post-borders ang kanilang ahensya.
Tanong ni Tulfo sa BFAR, saang palengke naman kaya ito ipinatutupad ng ahensya dahil kung mayroong ginagawang aksyon ang mga ito, bakit nagkalat ang pagtitinda ng mga pampano at pink salmon at hindi ito nabalitaan simula 1999.
Sinegundahan naman ni Villar si Tulfo, at tinanong ang BFAR kung paano sila mapatutupad ang kanilang mga hakbang kung wala naman silang first boder facility.
Aniya, binigyan na nila ng karampatang pondo ang BFAR upang gawin ang first border facility noong 2019, ngunit hindi pa rin ito nai-implement hanggang ngayon.
Samantala, inamin naman ni Escoto na nagkaroon talaga sila ng delay, ngunit sinusubukan na nilang tugunan ang naturang issue.
#
Fisheries Administrative Order pinare-review ni Tulfo
Nanawagan si Senador Raffy Tulfo sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na i-review o pag-aralang mabuti ang kontrobersyal na Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195 na in-issue noong 1999 na layong magbawal sa pagbebenta ng pink salmon at pompano sa mga palengke.
Sa isinagawang hearing ngayong araw ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform ukol sa usapin, muling iginiit ni Tulfo na anti-poor ang kautusang ito ng BFAR.
Kung kaya naman hinimok niya mismo si BFAR officer-in-charge director Demosthenes Escoto na kahit papaano ay maging fair o patas sa lahat ng mga Pilipino.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Tulfo sa BFAR sa ginawang paglift pansamantala ng ahensya sa pagbabawal ng pagbebenta ng mga imported na isda.
Ayon kay Tulfo, kung kailangan talaga ng BFAR ng tulong ukol sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko ukol sa usapin, handa siyang i-offer ang kanyang radio program para sa mas maayos na implementasyon ng FAO 195.
Samantala, kasabay sa naturang hearing, suportado naman ni Senador Nancy Binay ang pagkakaroon o konstruksyon ng mga karagdagang community fish landing centers (CFLCs) sa ilang munisipalidad na mayroong coastline at fishing communities.
Inatasan ni Binay ang BFAR na isama sa kanilang 2024 budget proposal ang pondo para sa community fish landing centers.
#

