BFAR-Bicol tinukoy ang mga dahilan sa insidente ng napapadpad na dolphins sa mabababaw na bahagi ng karagatan

SORSOGON CITY – Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Bicol na maraming dahilan kung bakit mayroong mga dolphins o lumba-lumba na napapadpad sa mga mababaw na bahagi ng karagatan o sa mga dalampasigan.

Una rito, dalawang dolphin ang nakita ng mga mangingisda sa bahagi ng karagatang sakop ng Casiguran at Magallanes noong nakatalikod na araw.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay BFAR-Bicol Information Officer Nonie Enolva, sinabi nito na ilan sa mga dahilan ng ganitong mga insidente  ay ang iligal na uri ng pangingisda kung saan natatrap ang mga dolphins, pagkalason mula sa mga parasitiko na dala ng dumi ng karagatan o kaya naman ay mga natural phenomenon tulad ng sobrang katandaan o dahil sa sama ng panahon.

Paglilinaw ng opisyal, mahalaga na alam ng bawat mangingisda gayundin ng  mga LGU’s ang kanilang dapat gawin sa mga ma-iistranded na marine mammals. Ang mammal na nakita sa Barangay Aguada Sur, sa bayan ng Magallanes ay natukoy bilang isang Spinner Dolphin habang isang Risso Dolphin naman ang nakita sa karagatang sakop ng Barangay Abuyog, Sorsogon City at Barangay Boton sa bayan ng Casiguran.


 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *