BF ng pamangkin na napagkamalang magnanakaw, pinagtataga ng tiyuhin

Nagpapagaling na sa ospital ang isang 38-anyos na binata makaraang pagtatagain ito ng tiyuhin ng kanyang girlfriend sa Brgy Poblacion, Monreal, Masbate.

Kinilala ang biktima na si Romulo Balatucan Deinla, naninirahan sa nasabing barangay habang ang suspek ay nakilalang si Jerry Alcansare Librando, 51-anyos, may asawa at residente ng parehong barangay.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Sa ulat na natanggap ng Brigada News, dakong alas 4:00 ng umaga noong Martes, palabas na sana ng compound ang biktima nang biglang undayan ng taga ng suspek.

Nabatid na binisita ng biktima ang kanyang girlfriend na pamangkin ng suspek at nakatira din sa nasabing compound.

Read More:  Seven people swept away by flash floods in Davao Occidental

Inaresto pa rin ng rumespondeng mga pulis ang suspek, kahit na nagpaliwang ito na hindi niya nakilala ang biktima dahil madilim at buong akala niya ay isa itong magnanakaw.

Narekober sa suspek ang itak na may habang dalawang talampakan.