Best practices ng iba’t-ibang industriya sa China inalam ng Bataan

Bumisita si Bataan Gov. Joet Garcia sa China nakalipas na April 27 hanggang 30 kasama si Cong. Abet Garcia at League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Bataan Chapter President Tony Pep Raymundo.

Kabilang sa kanilang mga binisita ay ang planta ng Guangxi Shenglong Metallurgical Co. Ltd na gumagawa ng iba’t-ibang produktong bakal.

Read More:  ₱916K smuggled cigarettes seized in Zamboanga Sibugay

Naobserbahan umano ng mga opisyal ang maayos na sistema sa transportasyon at mga imprastraktura tulad ng malalawak na daan na nakatutulong sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito, inaasahan ng gobernador na kapag natapos ang Bataan-Cavite Interlink Bridge ay makatutulong ito nang malaki para sa maraming oportunidad sa kabuhayan, trabaho, turismo at iba pang mga proyektong pang-ekonomiya.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Sa kanilang pagtungo sa China, ay inalam ng mga ito ang iba’t ibang best practices ng mga kompanya doon.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Gov. Joet Garcia