Bentahan ng Lobster sa Narra, mas marami pa umano ang illegal kaysa legal

Mas marami pa umano ang ilegal na bentahan ng lobster sa bayan ng Narra, ayon kay Sanggunian Bayan Member Joel Bito- Onon.

Sa privilege speech ng lokal na mambabatas kahapon, inihayag nito sa regular na sesyon ang magiging epekto sa mga Barangay at munisipyo ng ganitong sistema.

Read More:  13-Year-old student involved in Davao school stabbing

May nagpaabot umano na ilang residente na legal na namimili na umaaray na sila sa ginagawa ng mga illegalista.

Base sa sumbong,ang ginagawa ng mga walang permit ay tinataasan nila ng bahagya ang presyo kaya doon nalang nagbebenta sa kanila ng lobster.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Samantala, posibleng magkakaroon ng pagpupulong ang mga Barangay,Fisher Port at iba pang concerned department upang pag-aaralan ang hakbang sa kung papaano ito maipapatigil.