BBM, tinawag na ‘weakling’ ng isang Bokal

Binatikos ni Sorsogon Board Member Eddie ‘Ed’ Atutubo ang Pangulong Bongbong Marcos sa mataas na presyo ng bigas na nag-udyok  sa pagpataw nito ng price ceiling sa nasabing pangunahing pagkain.

Sa isang post nito sa kanyang Facebook, sinabi ng Bokal na ang kasalukuyang administrasyon ay unang nagkaroon ng kakulangan sa bigas, na sinundan ng problema sa suplay ng sibuyas.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sinundan ito ng kakulangan sa asukal, at ngayon ay may mga isyus sa bigas.

Sinabi pa ng opisyal na maaapektuhan ng price ceiling ang mga suplay sa mga rural areas.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Aniya pa, ‘’there’s nothing impressive with the leadership of the President,’’ na nangako ngunit nabigo na ibaba ang presyo ng bigas sa P20.00.

Inilarawan niya ang Presidente bilang isang ‘’weakling’’ o mahina.