Bayan ng Tiwi, Albay nakatanggap ng 230 kahon na naglalaman ng food products at PPEs mula sa NGCP

LEGAZPI CITY- Nakatangap ang bayan ng Tiwi sa Albay ng 230 kahon na naglalaman ng food products at Personal Protective Equipments mula sa National Grid Corporation.
Ang mga kahon ay naglalaman ng mga noodles,kape, bigas, ibat-ibang klase ng de lata, face mask, alcohol at iba pa.
Itoy sa pamamagitan ng Project Tugon o Tulong sa Pagbangon: Covid-19 Response Project ng NGCP na nagbibigay ng tulong na labanan ang epekto ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Edmar Rodriguez Jr. LDRRMO 1 ng nasabing lugar na planong ipamahagi ang mga natangap na food products at PPEs sa mga indigenous people sa Misibis Tiwi Albay

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port