‘Bawasan ang paperworks ng mga guro’, panawagan ng ACT Sorsogon sa Marcos admin

SORSOGON CITY—’Bawasan ang mga paperworks’, ito ang panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Sorsogon City Chapter sa gobyerno nasyunal sa gitna ng hamon ng pandemya sa ilalim ng blended learning.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Narlyn Dechavez, ang presidente ng samahan ng mga guro sa lungsod, sinabi nito na masyado na umanong nabubugbog ang mga guro sa ganitong sistema na halos buong araw at gabi ay nagtatrabaho pa rin at madalas ay halos wala ng oras sa sarili at sa pamilya.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team
Read More:  409 more cops deployed in Bacolod as security for MassKara Festival tightens

Aniya, bilang isang propesyunal at empleyado ng gobyerno, bukod tangi umano ang mga guro na hanggang sa bahay ay bitbit pa rin ang trabaho kumpara sa ibang propesyon. Hiling ng grupo, mabago ang ganitong sistema at mabigyan ng aksyon ng bagong administrasyon.