IRR ng batas na nagbabawal ng Child Marriage sa bansa, pirmado na!

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpirma sa rules and regulations (IRR) ng Republic Act (RA) 11596, o ang “An Act Prohibiting the Practice of Child Marriage.”

Sa mensaheng ipinadala ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, siniguro nitong na ang paglagda sa naturang batas ay magbibigay ng laban sa mga bata mula sa mga taong nagpaplano at nagiging dahilan ng pagkakaroon ng child marriage.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ayon kay Tulfo, sisiguruhin nila na maprotektahan ang bawat batang Pilipino, at matigil ang anumang uri ng kasal na sangkot ang bata o menor de edad.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Paliwanag ng DSWD, pinagtitibay ng estado na ang pagpapakasal ay nangangailangan ng full consent ng magkabilang panig, at ang pagkakasal sa bata ay mawawalan ng legal na bisa. //MHEL PACIA