Batangas PNP, naka-full alert status na ngayong Semana Santa

Naka-full alert status na ang buong puwersa ng Batangas Police Provincial Office o BPPO ngayong Semana Santa.

Ayon sa Batangas PPO-PIO, ito ay kasunod sa inilabas na kautusan ni Provincial director P/Col. Pedro Soliba alinsunod sa order ng DILG sa PNP, BFP, at LGUs ngayong Mahal na Araw.

Read More:  Dumanjug Mayor’s driver’s license suspended for 90 days after viral crash in Cebu

Nagsimulang ipatupad ang full-alert status noong madaling araw ng Abril 2 bago ang Linggo ng Palaspas at magtatagal ng depende pa sa ilalabas na lifting memo ng PNP.

Dahil dito ay aasahan ang mas maraming checkpoints sa mga entry at exit points ng bawat mga bayan at lungsod sa lalawigan.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Activated na rin ang Oplan Sumvac 2023 para masiguro ang seguridad ng mga magbabakasyon ngayong bakasyon.

Mapapansin na rin ang mas pinaigting na police visibility sa buong lalawigan lalo na sa mga malalaking simbahan at pilgrim sites, mga terminal, pantalahan, mall at iba pang pasyalan na dadagsain ng mga tao.