Batangas beach outing, nauwi sa trahedya; lalaki, nalunod patay

Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing ng magbarkada matapos na malunod ang isang lalaki habang naliligo sa isang beach resort sa Brgy. San Diego Seashore Lian, Batangas noong hapon ng Linggo, January 29, 2023.

Kinilala ng Lian Municipal Police Station ang biktima na si John Rey Segismundo y Umadhay, 20 anyos at residente ng Brgy. San Francisco, General Trias, Cavite.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon sa imbestigasyon, dumating ang biktima at mga kasama sa resort noong Sabado, alas-11:00 ng gabi.

Pasado alas-5:00 ng hapon noong Linggo ay nagdesisyong maligo ang biktima at mga kasama nito ngunit bigla na lamang umano itong nawala habang lumalangoy dahil sa malakas na water current.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Agad na humingi ng tulong ang mga kasama nito para mahanap ang kanilang kasama.

Inilunsad ang rescue operation ng Philippine Coast Guard at mga mangingisda sa area.

Tuluyang narekober ang bangkay ng biktima dakong 4:30 na ng hapon ng Martes, Enero 31, 2023.

Isinailalim na sa otopsiya ang bangkay ng biktima.