Batang Sorsoganon, wagi sa International Math Olympiad

Nasungkit ng batang Sorsoganon ang silver medal para sa Primary 4 category sa katatapos na Hongkong International Math Olympiad (HKIMO) 2022.

Kinilala itong si Eithan Zander Sy-Reyes tubong bayan ng Pilar, Sorsogon. Napasama ito sa Team Philippines Primary 4 Group na kinabibilangan ng 38 math olympiads at isa sa nakasungkit ng silver medal.

Si EZ ay anak nina dating Mayor Dennis Sy Reyes at incumbent Mayor ng Pilar na si Carolyn Reyes.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang Hongkong Mathematics Olympiad ay isang mathematics competition na ginaganap sa Hong Kong taun-taon. Ito ay magkasamang inorganisa ng The Education University of HK at Education Bureau.

Sa kasalukuyan, higit sa 250 na mga paaralang sekondarya ang nagpapadala ng mga koponan ng apat hanggang anim na estudyante para makapasok sa kompetisyon.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang layunin ng pagbuo ng HKIMO ay isulong ang Mathematical Olympiad sa buong mundo.

Ang pagsusulit ay binubuo ng 5 pangunahing subject: Logical Thinking at Arithmetic para sa Kindergarten at Primary section Algebra sa Secondary section at Number Theory, Geometry at Combinatorics.