Minsan mo na bang hinangad maging isang superhero?
Isang 8 taong gulang na bata kasi kamakailan na dahil sa kagustuhan na maging katulad ni Spider-Man ay nagpakagat sa isang gagamba, ngunit napag-alaman na ito’y isa palang makamandag na uri.
Ayon sa paglalahad ng pangyayari, naglalaro umano ang hindi na pinangalanang bata sa isang ilog kung saan, dito niya nakita ang isang gaagamba na nakatago sa likod ng bato.
Agad naman niya umano itong kinuha at nilagay sa likod ng kaniyang palad.
Nangyari nga ang kagustuhan nito na magpakagat ng gagamba ngunit imbis na magtransform bilang si Spider-Man ay agad itong nanghina at sumakit ang kaniyang katawan.
Nilihim niya rin ito nung una sa kaniyang mga magulang subalit, makalipas ang tatlong oras ay mas lumala ang kaniyang naramdaman at ipinaalam niya na ito sa kaniyang nanay.
Agad naman itong isinugod sa ospital upang malunasan ang kamandag ng gagamba.
Dito na rin nilahad ng bata ang itsura ng gagamba kung saan napag-alaman sa Zoonotic Diseases Program na si Ernesto Vasquez na ito’y isa umanong black widow.
Agad din naman umano ito binigyan ng lunas na anti venom at naging stable na ang kalagayan nito kalaunan.|WENCY LISAY