Basketball at iba pang contact sports, papayagan na

SORSOGON CITY – Pahihintulutan na ang pagsagawa ng contact sports gaya ng basketball at iba pa sa lungsod ng Sorsogon.

Batay ito sa pinakabagong Executive Order na inilabas ng City Government na may titulong ‘’An Order Authorizing the Opening of Sports Facilities and Allowing Sports Activities in the City of Sorsogon.’’

Read More:  2 dead, several injured as century-old mango trees crush Davao homes

Kaugnay nito, papayagan nang magbukas ang mga sports facilities simula sa unang araw ng Abril.

Nakapaloob din sa kautusan na panatilihin pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards.

Read More:  26 hurt as modern jeepney and delivery truck collide in Cebu

Naging batayan ng EO ang pagiging Covid free na ng lungsod gayundin ang pagkaabot ng 80% vaccination rate ng target population ng lungsod.