Barracks ng CIDG Camarinesr nasunog

NAGA CITY – Natupok ng apoy tinutuluyang barracks ng Criminal Investigation and Ditention Group sa Camarines Sur kahapon sa Concepcion Grande Naga City Enero 18, 2024.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni SFO1 Don Pomposo ng Investigation Team ng Bureu of Fire Protection Naga, itinawag sa kanila ang insidente mga 10:36 ng umaga, agad ng padala ng fire truck sa pagresponde, bago pa man makarating sa lugar nakita na nila ang kapal ng usok na nanggagaling sa nasusunog pasilidad, kung kaya agad na humingi ng dagdag na fire truck para sa mas mabilis na pag apula ng apoy.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kabilang sa mga nasunog ay personal na gamit ng tauhan ng CIDG, tulad ng bala, service fire arms, bala at Government issued IDs.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa luma na ang naturang pasilidad.

Bandang 11:00 ng umaga ng maideklarang fire out, patuloy pang inaalam ang sanhi at kabuoan halaga ng nasunog.

Paalala naman ng Bureau of Fire mas maigi kung magiging responsible ang bawat isa bilang mamayan at sundin ng ang mga paalala ng ahensya upang maiwasan ang insidente.