Barangay Taysan sa Legazpi City dismayado sa ginawang pagtatapon ng basura sa kanilang lugar ng iilang barangay o residente

LEGAZPI CITY – Kulang sa Disiplina ang mga taong nagtatapon ng basura sa ibang lugar.

Ito ang inihayag ni Kapitan Renato Valladolid ng Barangay Taysan sa Brigada News FM Legazpi matapos tapunan ito ng basura ang kanilang barangay sa Sito Malangka at Barangay Estanza road.

Ayon kay Valladolid, dismayado ito sa ginawang pagtatapon ng basura sa kanilang lugar ng iilang barangay at residente. Aniya, sa paniniwala ng kapitan ay hindi lang ang kanyang residente ang nagtatapon ng basura sa nabanggit na lugar maaaring ang karatig na mga barangay.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ipinaabot na rin nito sa Office of the City Environment and Natural Resources (OCENR) ng Legazpi tungkol sa pagtatapon ng basura at maging ang mga barangay at residente.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Hanggang sa ngayon ay hindi pa matukoy kung sinu ang may kagagawan ng pagtatapon ng basura sa lugar dahil sa gabi isinasagawa ang pagtatapon ng basura o kaya naman ay walang nagbabantay na eco-aide.

Tiniyak ng opisyal, sa oras na mahuli na residente o ibang barangay ay papatawan niya itong penalidad ng Barangay upang mabigyan ng pagdidisiplina ang mga ito.