Barangay admin, tinodas habang nanananghalian

Hustisya ang sigaw sa pamamaril sa Admin Staff ng Barangay Duljo Fatima, Cebu City.

Kinilala ang biktima na si Edward Abayan, 44-anyos.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Nangyari ang krimen nitong Hunyo 17, alas-12 ng tanghali.

Ayon sa kapulisan, nanananghalian ang biktima sa karinderya nang biglang binaril ito sa ulo ng di pa nakikilalang suspek.

Read More:  Three Iloilo police officers relieved after shooting doctor accused in hit-and-run

Sa CCTV, nakita ang suspek na naka-long sleeve, sumbrero at facemask.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan.