Bantag, kinuwestiyon ang mga impormasyon na ipinaparating kay Marcos sa Lapid slay case

Naiitindihan umano ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag ang mga pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos, kaugnay sa kanyang pagkakadawit sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Pero sa kabila nito, kinuwestiyon ni Bantag ang mga impormasyon na ipinaparating sa pangulo.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Una nang sinabi ni Marcos habang papunta ito ng Phnom Pehn na ikinababahala niya ang pagkasangkot ng BuCor chief sa naturang krimen.

Para sa pangulo, tila nagtayo na si Bantag ng kanyang sariling kaharian sa loob ng kulungan, dahil ang mga galaw umano nito ay wala nang kinatatakutan na maparusahan.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Matapos maihain ang kasong murder laban kay Bantag at isa pang BuCor official, iminungkahi ni Marcos na maipagpatuloy pa ang imbetsigasyon. //MHEL PACIA