Bangkay ng lalaki natagpuan sa lupang binabantayan nito

Natagpuan kahapon ang bangkay ng isang lalaki sa lupang kanyang binabantayan sa Tabacuhan, Brgy. Sta. Rita, Olongapo City.

Ayon kay PS5 Station Commander Pcapt. George Molina, pasado alas sais kahapon ng hapon nang maiparating sa kanila na may nakitang bangkay sa lugar.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang biktimang si Jonathan Hadley, 54-anyos ay nakitang may sugat sa may bahagi ng kili-kili.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Mayroon nang Person of Interest ang mga otoridad at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Hustisya ang panawagan ngayon ng pamilya sa sinapit ng biktima.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO