Bangkay ng isang college student, natagpuan sa Cavite

Natagpuan kahapon ang bangkay ng isang college student sa isang bakanteng lote sa Cavite.

Unang naiulat sa pulisya ang pagkawala ng 24-anyos na si  John Matthew Salilig, isang chemical engineering student mula Adamson University noong February 19.

Halos mahigit ng isang linggo itong nawawala bago natagpuan ang bangkay nito.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Huli itong nakitang buhay ang biktima noong February 18 sa isang bus terminal sa Buendia, Manila, dakong alas-10:26 ng umaga.

Nakita pa siya sa CCTV sa terminal na kasama ang iba pang miyembro ng fraternity. Nakasuot pa ito ng uniporme ng Adamson University. Samantala, Sa isang pahayag kahapon , kinumpirma ng Adamson University ang pagpanaw ng isang estudyanteng naiulat na nawawala, bagaman hindi na ito pinangalan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Inihayag ng Adamson na nagsasagawa ito ng sariling imbestigasyon sa insidente at tiniyak na makikipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay sa kaso.//CA