Isang araw bago ang balik eskwela bukas ay sinabi ng Department of Education (DepEd) na all-set na sila para sa mahigit 22.3M na mag-aaral na inaasahang madaragdagan pa dahil sa ilang mga late enrolees.

Batay sa huling datos na inilabas ng DepEd kahapon mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count para sa SY 2023-2024 mayroon nasa 22,381,555 milyon na ang nagparehistro na mga estudyante kung saan pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,446,304 sinusundan ito ng Region III (2,527,661) at NCR (2,468,170).
Kung maalala, Sabado last week Aug. 26 ang huling araw ng enrollment bagaman hindi maiiwasan ang ilang mga late enrollee’s.
Nabatid na noong s.y. 2022 ay may naitalang 28.4 milyong estudyante ang nagpa-enroll sa may 44,931 public schools at 12,162 private schools sa buong bansa.
