Bagyong #KardingPH, bahagyang humina

Bahagya pang humina ang Typhoon Karding habang patuloy na kumikilos papalayo ng bansa.

Batay sa 11am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Karding sa layong 230 km kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 130 kph malapit sa gitna at pagbugso na papalo sa 160 kph.
Kumikilos ito patungo sa direksyong west northwestward sa bilis na 30 kph.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa ngayon, inalis na ng PAGASA ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 at No. 2 habang ilang lugar na lamang ang nakasailalim sa Signal No. 1.

Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 ang:
• central at western portions ng Pangasinan (Santa Barbara, Bayambang, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, San Carlos City, Basista, Urbiztondo, Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, City of Alaminos, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Infanta, Malasiqui, Alcala, Bautista)
• Zambales
• western portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Santa Ignacia, San Jose, Mayantoc, Capas, Bamban)
• northwestern portion ng Pampanga (Mabalacat City, Angeles City, Porac, Floridablanca)

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Sinabi ng weather bureau na posible pa rin ang hanggang malalakas na pag-ulan sa mga nasabing lugar hanggang mamayang hapon dahil sa buntot o trough ng bagyo.


Batay sa forecast, posibleng nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi ang Bagyong Karding.

#