Bagyong Karding nag iwan ng P1. 4 milyon halaga ng pinsala sa fishery sector sa Bicol, Camarines Norte pinakaapektado- BFAR

CAMARINES NORTE- Nag iwan ng halagang P1. 4 milyon halaga ng pinsala sa fishery sector ng Bicol Region ang ang typhoon Karding.

Batay sa summary of damage and loss assessment report for fisheries ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) aabot sa 124 ang apektadong fisherfolk sa rehiyon.

Nasa 925, 000.00 ang tinatayang halaga ng pinsala sa aquaculture.

Pinakamalaki ang iniwang pinsala sa Camarines Norte na aabot sa 896, 500.00 kung saan 41 fisherfolk ang naapektuhan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Sa bayan ng Mercedes ay mayroong mga nasirang bangka at seaweeds farm.

Sa hiwalay na ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office dalawang motorized boat ang totally damaged at walo ay partially damaged sa Barangay Caringo.

Mayroon ding mga nasirang bangka sa Vinzons habang fish pond, motorized boats at seaweeds sa Sta Elena at Talisay.

Nasa 12 fisherfolks ang apektado at 466.000.00 ang napinsala sa aquaculture.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Apektado naman ang 29 na fisherfolks sa pagkasira ng mga fish cage na may tinatayang halaga na 430.500.00

Nag iwan naman ng P305, 000.00 na halaga ng pinsala sa fishery sector ng Camarines Sur ang bagyo kung saan 25 fisherfolks ang apektado.

Sa Masbate 109, 000.00 ang naiwang pinsala at 32 fisherfolks ang naapektuhan.

Nakapagtala naman ng P68, 000.00 na halaga ng pinsala ang Sorsogon at naapektuhan ang 11 fisherfolks habang P45, 000.00 naman sa Albay kung saan apektado ang 15 fisherfolks.