Bagyong #DomengPH, isa nang ganap na tropical storm

Patuloy na lumakas ngayong araw ang #DomengPH at naging isa ng tropical storm na may international name na Aere.

Base sa 11am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong Domeng sa layong 940 km sa Silangang bahagi ng Extreme Northern Luzon.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Taglay nito ngayon ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kph at pagbugso na papalo sa 80 kph malapit sa gitna at kumikilos pa hilaga sa bilis na 15 kmh.

Kaugnay nito, wala umanong magiging direktang epekto ang Domeng sa bansa sapagkat hindi ito lalapit sa kalupaan.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Samantala, asahan naman sa mga susunod na araw ang pagiral ng southwest monsoon sa western section ng Northern at Central Luzon nagdudulot ng mauulap na kalangitan at tyansa ng mga pag-ulan.(ARIS DE SILVA)
#