Bagong silang na sanggol sa Aklan, nakitang wala nang buhay sa kulungan ng baboy

Iniwan ng ina ang bagong silang na sanggol sa kulungan ng baboy sa Sitio Bantud, Brgy. Puis, New Washington, Aklan.

Ayon sa ilang residente sa lugar, wala ng pusod at daliri ang sanggol na lalaki ng makita sa lugar.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Pinaniniwalaan na kinain ng alagang baboy ang bahagi ng katawan ng sanggol.

Agad namang nirespondehan ng New Washington MPS para magsagawa ng inbistigasyon.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Hindi nagtagal at kinuha rin ng LGU- New Washington ang sanggol para mabigyan ng basbas at desenting libing.

Samantala, nagpapatuloy pa sa ngayon ang follow-up investigation ng mga otoridad. | via 89.3 BNFM KALIBO