Bagong round ng BIG-TIME ROLLBACK sa mga produktong petrolyo, namumuro sa susunod na linggo

Malaki ang inaasahang tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Matapos ang apat na araw na international trading, naglalaro sa P2.40 hanggang sa P2.80 ang posibleng i-rollback sa kada litro ng diesel.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sa gasolina naman, mayroong inaasahang P0.50 na rollback hanggang sa P0.90 sa kada litro nito.

Bawas-presyo rin ang inaasahan sa kerosene mula P1.40 hanggang sa P1.80.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Mayroon pang isang trading day at posible pa itong mabago.

Sa araw ng Lunes ia-anunsyo ang opisyal na price adjustment, at ipatutupad ito sa araw ng Martes.