Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, tiniyak ng liderato ng Kamara na mapopondohan sa 2025

Siniguro ni House Speaker Martin Romualdez na maglalaan ng pondo ang Kongreso para sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa susunod na taon.

Sa kanyang mensahe sa paglulunsad ng ika-dalawampu’t isang BPSF sa Tacloban City ngayong araw, sinabi ni Romualdez na nagpakita ng suporta ang dalawandaan at apatnapung kongresista upang makita kung matagumpay ang pagdaraos ng service caravan.

Isang taon na aniya ang lumipas mula nang umarangkada ang kauna-unahang BPSF at makikitang marami nang Pilipino ang natulungan ng cash assistance at serbisyo ng gobyerno.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Ikinalugod ni Romualdez na nagsama-sama ang mga mambabatas sa region-wide service caravan at isinantabi ang pagkakaiba mapa-miyembro man ng mayorya o minorya upang masaksihan kung paano ginagamit ng pamahalaan ang pondong inilaan.

Dumalo rin ang labindalawang gobernador, tatlong vice governors, siyam na alkalde at labing-anim na opisyal mula sa executive department kasama na si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

253,000 beneficiaries mula sa buong Eastern Visayas ang tumanggap ng iba’t ibang tulong na nagkakahalaga ng 1.26 billion pesos.

Idinagdag pa ni Romualdez na magsisilbi na itong selebrasyon at pasasalamat sa unang taon ng BPSF sa paghahatid ng direktang serbisyo sa malalayong lugar.

Aabot sa tatlongdaan at dalawampu’t walong serbisyo ang inialok ng limampu’t anim na national government agencies at ang BPSF ay gagawin sa loob ng dalawang araw.